Feels from Abby Orbeta’s Asintado

Video Credit: Aaron Quiambao

It was one of the few cold rainy nights when I was streaming my usual “feels” indie songs on Youtube and accidentally found this another “feelsgasmic” spoken word visual poetry titled Asintado by Abby Orbeta. This piece is definitely going nowhere but directly an addition to my list next to Zuela Herrera’s Dulo’t Simula (I guess Asintado is a character’s another point of view from Dulo’t Simula video although I’m not sure whether it’s from the girl or the guy’s).

Why am I sharing this? Well, (1) the poem
was successful on piercing an arrow straight to my heart, (2) the piece speaks about a kind of love na matagal sinave dahil takot na ulit masaktan and although hindi pa fully healed mula sa lahat ng sakit mula sa iba’t ibang tao ay natuto ulit magmahal *cries*, (3) I think this is the best way to communicate my feelings right now (or perhaps months months months months months ago).

In short, Abby’s Asintado took me back to a one particular bittersweet night and reminded me that the voice behind the girl’s confession of her love was once me.

Enough with the drama. Guys! here’s the transcription of the piece. For better feels, you may want reading this while listening to Sila by SUD just like what I’m doing while writing this. 

ASINTADO

Magkapareho tayo. Parehong maraming beses nang nasakatan. Paulit-ulit sa iba’t ibang paraan ng iba’t ibang tao.

Matagal ko nang itinago’t kinandado ang aking puso. Kinolekta’t binalot noong maiwang tipak-tipak. Pinilit gawing buo. Kinulong. Itinapon ang mga susi. Pilit inilayo sa gulo. Natuto na ako. Natuto na ako. Natuto na ako.

Tinuruan ang sariling huwag magpatalo. Nagtayo ng pader na hindi makakapasok kahit sino. Binuo ng bawat sakit, pamamaalam, at pagkadismaya na idinulot ng iba. May mga pilit tumibag pero mas lalong pinapatibay pero ikaw hindi ka natitinag. Bumabangon ka pa rin at nagpapatuloy. Nagtitiwala. Umiibig. Paulit-ulit. Sa iba’t ibang paraan ng iba’t ibang tao.

Matagal na kitang pinagmamasdan. Sinisilip mula sa loob ng aking kulungan. Nakakamangha. Tila may salamangkang pumapalibot sa’yo. Kakaibang sigla na nag-uumapaw mula sa iyong puso.

Ramdam ko na ang iyong bawat ngiti iniilawan ang daan papunta sa aking kulungan; bawat tapik; mga haplos sinusubukang hanapin at sungkitin ang nakakubli kong puso.  Ang iyong bawat bulong dinadala ako pabalik sa mga susing minsan nang itinapon. Ang iyong mga kwento isa-isang kinalas ang aking mga kandado.

Sinta, alam kong malayo pa bago tuluyang mabaklas ang mga kadenang nakapulupot sa aking puso pero handa na akong ibigay ito nang paulit-ulit sa iba’t ibang paraan sa iisang tao–sa iyo. 

Advertisements

4 thoughts on “Feels from Abby Orbeta’s Asintado

      • FLX says:

        hindi ko nga sure eh kasi parang boses din ni zuela haha nakakalito hahaha nah ok lang natutuwa lang ako na may nagsshare haha

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s