Hanggang sa mga susunod pang umaga

13936870_1073034492733546_2067803640_n.jpg

Kiltepan Sunrise at Sagada, Mountain Province

Alaala ang pinakamalapit na tugma ng mga tala. Kapahina ang kakambal nitong pinakamapait na salita: pangungulila. Nang pagtingala sa buwan na ningas ng maamo mong mukha.

Kaya, sa kawalan ay mapapako. Mapagtatantong bituin ka sa apat kong dako. Hilaga, Kanluran, Timog, at Silangan. Doon kita matatagpuan. Kung saan malaya kitang ipagsisigawan.

Ikaw, ang siphayo ng malamig na gabing pinili kong makasanayan. Ikaw na siyang unan, kumot, at hanap-hanap kong dantayan.

Ikaw, ang pinakamataimtim na bulong sa mga bulalakaw. Ang nag-iisang hiyaw. Na kung hahamunin man akong bigyang-kahulugan ang salitang balang-araw, ang isusulat kong depinisyon ay ikaw; ang pinakainaabangan kong bukas matapos sariwain ang kahapon at nakalipas.

Ikaw ang uniberso. Wari’y ang lawak ng kalawakan maging ang mga kislap nitong hindi pa natutuklasan ng sinuman ay hindi sasapat kung ikaw ay aking ilalarawan. Ikaw, na napiling pag-alayan ng pag-ibig na matagal kong inipon, ikinahon at iningatan.

At wala akong ibang maramdaman kundi matuling ikot ng mga planeta at mga nagbabanggaang kometa. Subalit hanggang kailan?

Mahal, kapos ang haba at katahimikan ng gabi para lamang pakinggan ang dalawang pusong nagsisimulang bumuo ng kanilang istorya.

Araw ay marahang pinasisingkit na ang mga mata. Umaga na subalit mahal pa rin kita. Sinta, tinatangi kita. At sa mga susunod pang umaga.

wng/060916

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s