10 tagubilin bago mo ako ibigin

13900852_1072930479410614_1230039975_n.jpg

Ang mga sumusunod ay ilang mga tagubilin at alituntunin bago mo ako tangkaing ibigin.

I. Nais kong sa akin lang magningning ang mga bituing naninirahan sa mga mata mo. At ang mga pangyayari sa buong araw mo, ay sa akin mo unang ikekwento.

 

II. Para lamang sa akin ang mga matatamis na salitang pakakawalan ng iyong mga labi. At ang pagsalubong ko sa’yo’y marapat lamang na guguhit sa’yo ng ngiti.

 

III. Ang iyong balikat ay sa akin lamang nakareserba. Oo, sa akin lang at walang puwang para sa iba.

 

IV. Ang iyong kamay ay mahigpit kong pinagbabawalang masanggi, mahawakan, matabig, o pagtambayan ng sinuman. Maliban sa aking palad at ang singsing natin sa palasinsingan.

 

V. Sa akin mo isusumbong ang lahat ng pang-aapi sa’yo ng mundo. At ako ang magpapahupa sa bagyong nananalanta sa iyong isipan at sumisira sa bawat pag-aari mong kaligayahan.

 

VI. Ang pag-aaway natin ay hanggang alas-dyis lang. At ang iisang unan ang tanging saksi sa patawaran; at muli nating pagbubuksan. At patutuluyin ang isa’t isa sa mga yakap na tinatawag nating tahanan.

 

VII. Magmula ngayon ay obligado kang tandaan ang dinaraanan mong ruta. Dahil hindi ka maaaring maligaw kung hindi ako ang iyong kasama.

 

VIII. Ang pagtatalo tungkol sa nakaraan natin, ay para lamang balikan kung gaano na kalayo ang ating narating.

 

IX. Ang pag-atras at paglayo ay para lamang sa tukso. At ang paglapit ay para lamang patunayang walang bibitiw sa pagkakakapit.

 

X. Ang salitang “akin” ay animong kwintas na ipapalibot ko sa leeg mo. Habang ang tatatlong letrang “iyo” ay magmimistulang korona ko.

 

 

Ang alin mang paglabag sa mga sumusunod na nabanggit ay may karampatang parusa.

Ang sinumang mapatunayang nagkasala ay hahatulan ng: Pag-unawa. 

Kung malubha ang pinsala: Paglaya

 

 

 

Nilagdaan ni: _____________________

Nilagdaan nong: _________________

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s